Alam nating lahat na ang Agosto ay
buwan kung saan ipinagdiriwang natin ang Buwan
ng Wika. Maraming paaralan sa ating bansa ang nagsasagawa ng mga
iba’t-ibang gawain kung saan ang mga mag-aaral ay sumasali sa mga kompetisyon
para mas lalo pang malinang ang kani-kanilang isipan tungkol sa ating sariling
wika. Ang Wikang Filipino ay napakahalaga para sa ating mga Pilipino na
nakatutulong ito para magkaunawaan ang mga tao na nasa iba’t-ibang sulok ng
Pilipinas kung itong sariling nating wika ang ginagamit. Kaya dapat pahalagahan
at ipagmalaki natin ang Wikang Filipino. Hindi natin maitatanggi ang pagsasalita ng wikang Ingles
dahil na rin ito ang unibersal na lengguwahe. Dahil sa lengguwaheng ito, kung
minsan ay mas ginagamit na natin ito kaysa sa ting pambansang wika, sa kabilang
dako naman, mayroon din naming tulong ang lengguwaheng Ingles dahil sa paggamit
nito nakakapppunta ang ating kababayan sa ibang bansa para magkaroon ng trabaho.
Tungkulin nating mga Pinoy na mahalin at ipagmalaki ang sariling wika. Lahat
man ay nababago na lagi dapat nating isipin na ang wika ay hindi mababago ng
sinuman. Ang Wikang Filipino ay sumasailalim sa ating kultura, kung sino tayo
at kung saan tayo nagmula. Tumutulong din ito sa atin sa paglinang ng ating
pagkakaisa.
No comments:
Post a Comment